Si AJ Raval ay gumaganap bilang Monica, isang spa girl na mataas ang ambisyon sa buhay. Karelasyon niya si Boogie, isang security guard, na ginagampanan ni Vince Rillon. Sa kabila nito, nagawa niyang makipagsiping kay Raji, isang bigating businessman na ginagampanan ni Juami Gutierrez. Sa galit ni Boogie ay reresbakan niya si Raji na siya namang mako-comatose. Ikakanta ni Monica sa mga pulis ang krimen na ginawa ni Boogie. Samantala, hihingi ng proteksyon si Boogie sa tiyuhin niyang pulis na si Marlon, ginagampanan ni Mark Anthony Fernandez. Ngunit habang sinusubukan ni Boogie makipag-ayos kay Monica, hindi niya alam na may panganib na nag-aabang sa kanya, dahil maghihiganti sa kanya ang pamilya ni Raji.